Ang aklat na ito na may simpleng pamagat na Kalatas ay sadyang isinulat ng mga piling awtor sa larangan ng filipino at edukasyon na ang nasa likod ng isipan ay mapayabong pa ang kaalaman ng mga kaguro sa pagtuturo ng dalawang makrong kasanayan - pagbasa at pagsulat - na lubha namang iniiwasan ng mga kabataang nasa panahon na ng kompyuter.